Nag-abiso sa mga motorista ang Quezon City Government kaugnay ng gaganaping QC Chinatown Mid-Autumn Mooncake Festival sa darating na Sabado, September 19, 2026.
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa paligid ng Quezon City Chinatown sa Banawe simula alas-6 ng umaga.
Apektado ang Banawe Street, Del Monte Avenue, Sgt. Rivera, G. Araneta Avenue at NS Amoranto Street.
Magkakaroon din ng road closures sa Banawe corner Del Monte, Banawe corner Sta. Rosa, Banawe corner Makaturing, Banawe corner Mauban, G. Roxas corner Igdalig at G. Roxas corner Biak na Bato.
Nakaantabay naman ang mga tauhan ng TTMD, DPOS, Task Force Disiplina at QCPD para sa traffic management.
Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang posibleng pagsisikip ng trapiko.