Hinikayat ni Davao City First District Rep. Paolo Duterte ang publiko na bantayan ang imbestigasyon sa mga flood control project sa kanyang distrito, kasunod ng pahayag ni NBI Dir. Melvin Matibag tungkol sa mga proyektong sinasabing substandard at ghost projects.
Ayon kay Duterte, nais niyang makita mismo ang mga ebidensya, dokumento, video, at aktuwal na proyekto na sinasabing may iregularidad.
Matatandaang sinabi ng NBI na may 51 flood control projects sa distrito ni Duterte na nakitaan ng mga red flag at isinailalim sa pagsusuri o imbestigasyon.
Iginiit ni Duterte na kung may nakitang ghost o substandard projects, dapat itong imbestigahan nang walang pinipiling lugar o distrito.
Nagpasalamat naman si Duterte sa NBI at hiniling na isapubliko, kabilang ang live video kung maaari, ang mga resulta at ebidensya ng imbestigasyon upang maiwasan ang puro alegasyon lamang.