Umapela ang Department of Education (DepEd) sa mga lokal na pamahalaan na maging angkop ang pagsuspinde ng mga klase.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, dapat isinasaalang-alang ng LGU ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan.
Inahalimbawa ni Angara ang Calumpit sa Bulacan, kung saan ang ilang paaralan ay baha pa rin o ginagamit bilang mga evacuation center habang ang ibang paaralan naman ay ligtas na at nakapagklase na.
Tinukoy sa anunsiyo ng suspensiyon ang mga partikular na paaralang naapektuhan na aniya’y tiyak na makatutulong upang mapangalagaan ang oras ng pag-aaral habang inuuna ang kaligtasan.
Nabatid na sa panukalang Executive Order on the Suspension and Resumption of Classes and Work in Educational Institutions and Other Related Matters.
Target ng DepEd na magtatag ng mas mabilis at angkop na pamantayan para sa mga desisyon sa pagsuspinde at pagbabalik ng klase.
Sa ilalim ng panukalang Executive Order, ang mga desisyon sa pagsuspinde at pagbabalik ng klase ay maaaring awtomatiko, localized, o granular, depende sa uri at saklaw ng panganib.