Screenshot
Dahil sa nananatiling manipis ang suplay ng kuryente, muling itataas ang Yellow Alert status sa Visayas Grid ngayong araw.
Batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), epektibo ang Yellow Alert mula ala-5 ng hapon hanggang ala-7 ng gabi.
Nabatid na 12 planta ang bagsak o hindi gumagana habang nasa 14 na planta naman ang bagaman operational subalit nasa derated capacity o kulang ang isinusuplay na kuryente.
Itinataas ang Yellow Alert kapag hindi nagtutugma ang operating margin sa contingency requirement ng transmission grid.