Napanatili ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kampanya kontra illegal na pangingisda partikular sa Western Visayas sa kalahatian ng buwan ng Setyembre.
Ito’y makaraang maaresto ang nasa 118 indibidwal sa 80 operasyong isinagawa ng Police Regional Office (PRO) 6 mula September 1 hanggang 15, at nagresulta sa pagkakasabat ng nasa halos ₱11 milyong halaga ng mga ebidensya.
Kabilang na rito ayon kay PRO6 Director, Police Brigadier General Randulf Tuaño ang mga huling isda, mga kagamitan, at mga bangka na ginagamit sa illegal na pangingisda.
Sinabi ni Tuaño, na ang pinaigting na operasyon ay pagpapakita lamang ng pangko ng pulisya na protektahan ang yamang dagat sa rehiyon at suportahan ang mga komunidad na apektado ng iligal na aktibdad.