Kasado na ang latag ng seguridad ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng mga aktibidad at pagtitipon sa September 21.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Spokesman, Police Col. Allen Rae Co na isasailalim sa “FULL ALERT” status ang hanay ng National Capital Region Police Office (NCRPO) epektibo alas-12:01 sa September 19.
Kaugnay nito, sinabi ni Co na magkakaroon ng “FULL DEPLOYMENT” ang NCRPO kung saan 15,746 personnel ang kanilang ipakakalat.
Sinabi naman ni Co, na walang baril ang mga pulis na ide-deploy sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad at magsusuot sila ng body camera para ma-document ang mga ito.
Giit pa ng tagapagsalita ng PNP, papairalin nila ang maximum tolerance bagaman wala namang namo-monitor na anumang banta sa seguridad.