Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng research and development upang maisalin sa aktuwal na mass production ang mga teknolohiyang nade-develop sa laboratoryo.
Sa pagbisita sa planta ng Nutridense sa Sta. Barbara, Pangasinan, sinabi ng pangulo na malaking bahagi ng R&D ay ginagawa ng Department of Science and Technology (DOST).
Kailangan din aniyang matutukan ang proseso mula laboratoryo hanggang manufacturing, lalo na ang scale up sa produksyon.
Sabi ng pangulo, dito papasok ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng gobyerno sa mga pribadong kumpanya tulad ng Nutridense.
Sinusuportahan din aniya ang mga negosyo sa pagkuha ng mga makinaryang kailangan, upang mapalawak ang kanilang produksyon.
Ipinunto ni Pangulong Marcos na layunin nitong mapalakas ang produksyon ng pagkain at mas marami pang Pilipino ang makinabang sa mga produktong gawa gamit ang teknolohiya ng DOST.