Photo courtesy of Center for International Trade Expositions and Missions
Opisyal nang nagsimula ang 2026 China-ASEAN Expo (CAEXPO) sa Nanning, Guangxi, China, kung saan Pilipinas ang itinalagang “Country of Honor.”
Tampok sa expo ang iba’t ibang produktong Pilipino, kabilang ang coconut products, durian, tradisyonal na kasuotan at iba pa.
Highlight sa expo ang National Pavilion ng Pilipinas, kung saan itinampok ang Cebu bilang “Province of Charm” at ipinakilala bilang isa sa mga pangunahing sentro ng negosyo at logistics ng bansa na nagsisilbing gateway sa international trade.
Sa kabuuan, kalahok sa expo ang nasa mahigit 70 high-value export enterprises sa Pilipinas mula sa agrifood, lifestyle, home and fashion, personal care, at allied services.
Ayon kay DTI Secretary Roque, malaki ang maitutulong ng CAEXPO para mapalawak ang merkado ng mga produktong Pilipino.
Bukod dito, binigyang-halaga rin niya ang ASEAN-China Free Trade Agreement o CAFTA.
Bukod sa exhibit, nagsagawa rin ng Philippine Investment Forum sa sidelines ng CAEXPO. Dito, hinikayat ni Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz ang mga Chinese at ibang dayuhan na mamuhunan sa Pilipinas.