Umapela si United Nations Secretary-General Antonio Guterres ng agarang de-escalation sa Middle East at ceasefire sa Ukraine bago ang high-level week ng 81st UN General Assembly sa New York.
Inihayag ni Guterres na dapat maging prayoridad ngayon ang pagpigil sa paglala ng tensiyon sa Middle East dahil lalong dumarami ang mga sibilyang nabibiktima ng kaguluhan, na siyang totoong sumasalo sa mga negatibong epekto ng gulo.
Hinimok din ng UN SecGen ang lahat ng panig na itigil ang mga hakbang na nakapipinsala sa civilians at tiyaking makapaghahatid ng humanitarian aid nang ligtas at walang sagabal.
Kasama rin sa mga inapela ni Guterres ang paggalang at pagbabalik ng navigational rights at freedoms sa Straits of Hormuz at Bab Al-Mandab, alinsunod sa international law.
Mahalagang mapa-iral sa ngayon ang de-escalation, diplomasya at dayalogo na siyang mga paraan upang maresolba ang mga umiiral na tensiyon.
Samantala, muling iginiit ni Guterres ang panawagan para sa agarang ceasefire sa Ukraine bilang unang hakbang tungo sa isang makatarungan, pangmatagalan at komprehensibong kapayapaan. Bukas din umano siyang mag-host ng negosasyon sa United Nations kung magkakaroon ng pagkakataon sa UN General Assembly.