Malaya pa ring nakapapasok ang mga turista sa Tinglayan, Kalinga, partikular sa Barangay Buscalan kung saan matatagpuan ang sikat na mambabatok na si Apo Whang-Od, sa gitna ng nagpapatuloy na tribal conflict sa pagitan ng mga tribo ng Butbut at Tulgao.
Sinabi ni PNP Tinglayan Chief Police Major John Vladimir Bawer na kailangan munang pumirma ng waiver ang mga bisita habang nananatili sa temporary lockdown at travel restriction ang pitong barangay sa bayan.
Ang sigalot ay nag-ugat sa boundary dispute na lalong lumala matapos magbunga ng pagpatay sa isang 70-anyos na magsasaka noong nakaraang taon.
Hindi nasunod ang naunang 90-day ceasefire agreement noong Hulyo ng kasalukuyang taon dahil sa maramihang paglabag mula sa magkabilang tribo.
Ang mga peacekeeping force ay naka-deploy na habang inilipat sa alternative learning modalities ang mga estudyante at patuloy ang mga hakbang sa pamamagitan ng “Bodong” o tribal peace covenant upang maibalik ang kapayapaan sa lugar.