Nanindigan ang Department of Energy o DOE na patuloy ang kanilang paghahabol sa mga solar companies na konektado kay Batangas Representative Leandro Legarda-Leviste at sa multang dapat singilin dito.
Ayon kay DOE Renewable Energy Management Bureau Legal Officer, Atty. Gabriel Corpuz, nananatili sa ₱24 billion ang sinisingil nilang multa dahil sa hindi pagtupad ng solar companies sa renewable energy contracts nito.
Ani Corpuz, hindi magbabago ang presyo ng multa dahil ito na umano ang aggregate ng lahat ng naitalang paglabag ng Solar Philippines at ng mga affiliate at subsidiaries nito.
Matatandaang noong taong 2024 ay nakapag-issue na ng 27 termination letter ang DOE kung saan kasama rito ang demand na pagbabayad ng multa dahil sa mga hindi natupad na deliverables sa nilagdaang renewable energy contracts.