Nagpatuloy ngayong September 23 ang ASEAN Peace Education High-Level Conference sa Quezon City kung saan tinalakay ng mga kinatawan mula sa ASEAN at iba pang development partners ang pagpapalakas ng peace education bilang sandigan ng kapayapaan at matatag na kooperasyon sa rehiyon.
Kabilang sa mga tampok na sesyon ang pagtalakay sa mga tradisyunal at katutubong pamamaraan ng paglutas ng mga alitan, mga inisyatiba sa digital safety at peacebuilding, at ang mahalagang papel ng kabataan sa pagsusulong ng kultura ng kapayapaan.
Bahagi rin ng programa ang plenary discussion tungkol sa pagtugon sa violent extremism, cybersecurity threats, at social polarization sa pamamagitan ng peace education.
Isinagawa ang kumperensya sa ilalim ng temang “Peace Education for Shared Futures and Enduring Cooperation,”bilang bahagi ng ASEAN Chairship ng Pilipinas ngayong 2026.