Haharap si dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez sa pre-trial ng kasong plunder sa pamamagitan ng videoconference.
Ito’y matapos pagbigyan ng Sandiganbayan Third Division ang hiling ni Romualdez na payagan siyang dumalo sa pre-trial sa nasabing paraan.
Ang pre-trial ay gagawin bukas, September 25 ng alas-8:30 ng umaga.
Matatandaang nahaharap si Romualdez sa kasong plunder dahil sa pagkakasangkot sa anomalya sa mga flood control projects.
Siya ay kasalukuyang nakakulong sa New Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas.
Samantala, sinabi ni Atty. Dennis Pulma, Clerk of Court ng Sandiganbayan Third Division, na wala pang inihahaing petition for bail si Romualdez.