Photo courtesy of SSS
Inilapit ng Overseas Workers Walfare Administration Department of Migrant Workers (OWWA) at Social Security System (SSS) ang mga serbisyo nito sa mga Pilipino sa Hong Kong sa pamamagitan ng 2026 SSS Global Kabayan Day, na isinagawa mula Setyembre 12 hanggang 14.
Ginawa ang aktibidad sa DMW-OWWA OFW Global Center bilang bahagi ng ika-69 anibersaryo ng SSS, na may temang “Bawat Isa Protektado, Bawat Bukas Sigurado.”
Dumalo rito ang mga overseas Filipino worker, pensioner, community leader at iba pang miyembro ng Filipino community.
Nagbigay ang SSS ng updates tungkol sa mga programa at serbisyo nito, at nagkaroon din ng open forum para direktang masagot ang mga tanong at concern ng mga Pilipino sa Hong Kong.
Naglaan din ng onsite assistance para sa aplikasyon ng MySSS Card, katuwang ang Philippine Statistics Authority para sa National ID verification at ilang partner banks.
Samantala, nasa 30 SSS pensioner sa Hong Kong ang kinilala bilang pagpapahalaga sa kanilang matagal na kontribusyon sa SSS.
Ang Hong Kong at Barcelona ang unang international venues ng Global Kabayan Day, kung saan pinagsama sa unang pagkakataon ang OFW Day at Pensioners’ Day ng SSS sa ibang bansa.