Inilunsad ngayong Biyernes, September 25 ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang roadmap na magagamit ng bansa upang tugunan ang problema sa polusyon ng plastik sa Pilipinas.
Ayon kay DENR Secretary Juan Miguel Cuna, sa pamamagitan ng roadmap ay inaasahang sa 2040 mababawasan na ng 85% ang problema sa plastik ng bansa.
Laman naman ng roadmap ay hindi basta tamang paraan ng pagtatapon lang ng basura o solid waste management, magiging blueprint ito para sa tamang ng pag-iingat sa biodiversity ng bansa at makabuo ng economic opportunities habang tinutugunan ang problema sa basura sa bansa
Naging katuwang naman ng DENR sa programa ang United Nations Development Programme Philippines, iba pang ahensya ng pamahalaan at international communities para sa pagbuo ng Philippine National Plastic Action Roadmap 2026-2040.