Nagtulong ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) para sanayin ang mga empleyado ng Bureau of Corrections (BuCor) laban sa mga panganib ng cyber attacks, data theft, at mga online hacker.
Sa seminar na may temang “Within the Walls: Strengthening Cyber Capabilities,” ipinaalala ni BuCor Deputy Director General Asec. Al Perreras na hindi lang IT experts ang dapat nag-iingat sa mga digital system at database ng ahensya.
Ayon kay Perreras, responsibilidad ng bawat kawani ng BuCor na protektahan ang kanilang mga online platform—tulad ng paggamit ng malalakas na password at maingat na paghawak ng sensitibong impormasyon ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL)—kung paano nila binabantayan ang mga pisikal na pader ng kulungan ay bahagi din ng kanilang tungkulin at cybersecurity
Sa tulong ng pagsasanay na ito, layunin ng DOJ, NBI, at BuCor na mas mapatibay ang seguridad ng ahensya laban sa anumang bantang digital.