Binigyang-diin ng Presidential Communications Office ang kahalagahan ng diplomatic engagements ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa APEC Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China.
Sa panayam ng RTVM, tinukoy ni PCO Acting Secretary Lino Edgardo Cayetano ang pagsusulong ng pangulo sa kapakanan ng mga Pilipino at pagpapalakas ng international partnerships ng Pilipinas.
Makatutulong aniya ang diplomatic engagements ni Pangulong Marcos sa pagbubukas ng mga oportunidad sa kalakalan, pamumuhunan, energy security at economic cooperation.