Nanawagan si House Speaker Faustino Dy III sa mga bansa sa Southeast Asia na palakasin ang kooperasyon sa digital trade at responsableng paggamit ng artificial intelligence (AI).
Sa kaniyang talumpati sa 15th ASEAN-AIPA Leaders’ Interface sa Maynila, binigyang-diin ni Dy ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga hakbang para mapanatili ang paglago ng ekonomiya sa rehiyon.
Kabilang ditocang matagumpay nacpagtatapos ng negosasyon sa ASEAN Digital Economy Framework Agreement na inaasahang magpapalakas sa digital economy ng mga kasaping bansa.
Hinimok din niya ang ASEAN na paigtingin ang AI governance, kabilang ang proteksyon sa personal data, human oversight, at patas na access sa mga benepisyo ng artificial intelligence, alinsunod sa ASEAN Guide on AI Governance and Ethics.
Ayon kay Dy, mahalagang matiyak na responsable ang paggamit ng AI at mapakinabangan ito hindi lamang ng malalaking negosyo kundi maging ng maliliit na negosyante at lokal na industriya.