Pormal nang nanumpa bilang ika-196 na Associate Justice ng Korte Suprema si dating Commission on Audit (COA) Chairman Gamaliel Cordoba.
Pinangunahan ni Supreme Court Chief Justice Rodil Zalameda ang panunumpa ni Cordoba kahapon, Nobyembre 19, sa Supreme Court En Banc Session Hall sa Maynila.
Pinalitan ni Cordoba si dating Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier na nagretiro noong November 16.
Nagsilbing COA Chairman si Cordoba mula 2022 hanggang 2026 at Commissioner ng National Telecommunications Commission (NTC) mula 2009 hanggang 2022.
May halos tatlong dekada na rin siyang karanasan sa batas at serbisyo publiko, kabilang ang paghawak ng iba’t ibang posisyon sa Office of the President.
Si Cordoba ang ikatlong itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang Associate Justice ng Korte Suprema.

