Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang napakalaking importansiya ng sinelyuhang Free Trade Agreement ng Pilipinas at Chile sa sidelines ng 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Economic Leaders’ Meeting.
Ayon mismo kay Pangulong Marcos, tiyak na napakarami pang economic avenues ang matutuklasan sa FTA ng Pilipinas at Chile na kauna-unahang Free Trade Agreement ng bansa sa isang Latin American country.
Sinimulan ang pag-aaral at negosasyon para sa kasunduan noong 2024 at pormal na natapos ang pag-uusap noong Hulyo 2026.
Itinaon din ang paglagda nito sa pagdiriwang ng ika-80 taon ng pormal na ugnayang diplomatiko ng dalawang bansa.
Matapos ang paglagda, dadaan ang kasunduan sa proseso ng ratipikasyon ng dalawang bansa bago ito tuluyang magkabisa at maipatupad.
Ang pagkakalagda sa nasabing FTA ay magsisilbing tulay upang makapasok ang mga produktong Pilipino sa mas malawak na rehiyon ng Latin America na may populasyong higit sa 600 milyon.
Magbibigay din ito ng mas magandang pagkakataon para sa mga small and medium-sized enterprises (SMEs) na makapag-export ng kanilang mga produkto nang may mas mababang buwis.
