Asahan na ang back-to-back na rollback ng mga produktong petrolyo at Liquefied petroleum gas o LPG sa susunod na linggo
Base sa tala ng mga oil industry player sa galaw ng presyo ng langis sa Mean of Platts Singapore o MOPS posibleng maglaro ang tapyas presyo sa produktong petrolyo sa mga sumusunod.
Sa diesel naitala ang tumataginting na P2.67 na rollback sa kada litro nito, tapyas naman na P2.47 ang mararamdaman sa kada litro ng gasolina habang P1.88 naman sa kada litro ng kerosene.
Itinuturong dahilan dito ang ang mababang demand sa petrolyo at nananatiling magandang suplay ng petrolyo sa global market.
Paglilinaw naman ng oil industry players na ito ay pagtaya pa lamang at posibleng mabago pa base na rin sa ibababang rekomendasyon ng Department of Energy o DOE.
Samantala, kinumpirma naman ni Regasco President Arnel Ty ang panibagong rollback sa LPG products ng Regasco sa darating na araw ng linggo na papatak sa 2 pesos kada kilo.
Magre-resulta ito sa kabuuang P22 na tapyas sa kada 11-kg cylinder ng LPG.
Hindi naman kumpirmado kung susunod din ang iba pang kompanya ng LPG sa magkakasunod na rollback na ipinatupad ng Regasco.