Inasahan na ni Senate President Sherwin Gatchalian na dadalhin sa Supreme Court ang naging desisyon ng impeachment court kaugnay ng pagbamyenda sa baseline ng voting threshold.
Ito ay matapos maghain ng petisyon sa Korte Suprema ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez para sa TRO at writ of preliminary injunction sa desisyon.
Sa isang panayam, sinabi ni Gatchalian na igagalang ng impeachment court ang magiging aksyon ng Supreme Court.
Gayunman, binigyang-diin niyang ayon sa paliwanag ni Retired Chief Justice Reynato Puno bilang amicus curiae, ang impeachment court ay hindi nasa ilalim ng Supreme Court o ng judiciary.
Tungkol naman sa posibilidad na hindi dumalo sa mga susunod na hearing ang anim na senador na hindi lumahok sa huling botohan, sinabi ng senate president na wala siyang naririnig na ganitong hakbang.
Iginiit niyang mas makabubuti kung mas maraming senator-judge ang dadalo para mapakinggan at masuri ang ebidensya at testimonya ng mga saksi.
Sinabi rin ng senate president na maayos ang working relationship ng majority at minority sa senado at wala siyang nakikitang problema sa kanilang pagdalo sa mga susunod na impeachment hearing. | ulat ni Nimfa Asuncion