Photo courtesy of Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
Nakauwi na sa Pilipinas ang 18 distressed Overseas Filipino Workers o OFWs mula Riyadh, Saudi Arabia.
Dumating sa bansa ang mga OFW sakay ng Cebu Pacific Flight 5J741, kung saan agad silang sinalubong at binigyan ng airport assistance ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
Patuloy naman ang koordinasyon ng DMW at OWWA para matiyak ang maayos na pag-uwi ng mga OFW, kabilang ang tulong sa kanilang pagbiyahe patungo sa kani-kanilang mga probinsya at iba pang kinakailangang welfare assistance.
Sa pamamagitan ng OWWA Regional Welfare Offices, maipagpapatuloy rin ang suporta sa mga OFW at kanilang pamilya, kabilang ang mga serbisyong makatutulong sa kanilang muling pagsisimula sa komunidad.