Mahigit 250,000 kabahayan at negosyo sa mainland Palawan ang inaasahang makikinabang sa mas maaasahan at diversified na suplay ng kuryente, kasunod ng inilatag ng Department of Energy o DOE na Mainland Palawan Energy Masterplan.
Layunin ng Masterplan na tugunan ang problema sa reliability, mataas na generation cost, at malaking pagdepende ng Palawan sa imported diesel at bunker fuel.
Pangunahing bahagi nito ang planong 69-kilovolt transmission system na bubuo ng mahigit isang libong circuit-kilometers ng bagong linya at 18 switching stations.
Target din ng DOE na madagdagan ng mahigit 274 megawatts ang generation capacity pagsapit ng 2030, kabilang ang higit 155 megawatts mula sa wind, solar at hydropower projects.
Target simulan sa Disyembre 2026 ang konstruksyon ng transmission lines at switching stations, at matapos ang transmission component sa pagtatapos ng 2027.