Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Nagbigay ang Department of Social Welfare and Development ng P30,000 cash relief assistance kay Mary Jane Veloso at sa kanyang mga magulang sa Gen. Mamerto Natividad, Nueva Ecija nitong Linggo.
Tig-P10,000 ang natanggap nina Veloso at ng kanyang mga magulang.
Magbibigay din ang DSWD ng karagdagang P20,000 para sa dalawang anak ni Veloso bukas, September 28.
Kasabay nito, isinagawa ng DSWD ang assessment sa livelihood needs ng pamilya sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program.
Sinabi ni Veloso na nais niyang magtayo ng sari-sari store sa kanilang bahay bilang pagkakakitaan.
Ang tulong ay bahagi ng patuloy na suporta ng DSWD kay Veloso at sa kanyang pamilya matapos siyang palayain. Tumanggap si Veloso ng absolute pardon mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong September 25.