Isinusulong ni Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan ang agarang pagpasa ng panukalang batas na magbibigay ng full tax exemption sa mga insentibo, reward, bonus at donasyon para sa national athletes at coaches.
Sa ilalim ng House Bill 9470, saklaw ng tax exemption ang mga atletang nanalo maging ang mga lumahok ngunit hindi nakakuha ng medalya.
Layunin din ng panukala na hikayatin ang pribadong sektor na suportahan ang mga atleta, dahil maaari umanong ibawas sa gross income ng donors ang mga donasyong gagamitin sa training at kompetisyon.
Nais ding amyendahan ng panukala ang Republic Act 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.
Ayon kay Yamsuan, karapat-dapat matanggap ng mga atleta at coach ang buong halaga ng anumang reward, bonus o donasyong ibinibigay sa kanila.
Giit niya, dapat kilalanin ang sakripisyo maging ng mga atletang hindi nakapag-uwi ng medalya at mabigyan sila ng parehong tax-free benefits upang mahikayat silang ipagpatuloy ang kanilang training at development.
Sa ngayon, nakasungkit na na ang Team Philippines ng 12 medalya sa 2026 Asian Games, kung saan nangunguna si Olympic champion Carlos Edriel Yulo na may dalawang gold medal.