Siniguro ng pamahalaan na makapagsisimulang muli si Mary Jane Veloso, kasama ang kaniyang pamilya, kasunod ng absolute pardon na iginawad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, kabilang sa ipinagkaloob ay tulong pinansiyal, pangkabuhayan, at reintegration assistance.
Aniya, hindi lamang si Mary Jane ang binigyan ng tulong ng gobyerno, kundi maging ang kaniyang pamilya.
Nasa PhP30,000 ang ibinigay ng DSWS kay Mary Jane, tig-PhP10,000 sa kaniyang mga anak at PhP10,000 rin para sa mga magulang nito.
Sabi ni Castro, sinailalim din si Veloso sa assessment para sa sustainable livelihood program upang makapagtatag ito ng panimulang kita para sa pamilya.
Bukod dito, pinagkalooban din si Veloso at kaniyang pamilya ng psychososial counseling, livelihood starter ktis, enterprise capital, at skills training.
Ang mga suportang ito, layong tiyakin ang maayos na pagbabalik sa normal na buhay ng pamilya Veloso, at para sa kanilang bagong simula. | ulat ni Racquel Bayan