Iniimbestigahan na ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang naiulat na unauthorized access sa Environmental Management Bureau (EMB) noong September 27.
Sa pahayag ng DICT, sangkot dito ang EMB Company Registration System o CRS na naglalaman ng records ng mga negosyo.
Posibleng personal at corporate information ang nalantad, pero hindi pa ito nakukumpirma.
Sinusuri rin kung nagkaroon talaga ng unauthorized access at kung sa CRS nagmula ang impormasyon.
Kasalukuyang nasa maintenance ang CRS habang isinasagawa ang assessment at response activities.
Patuloy pa ang koordinasyon ng DICT-NCERT at EMB para sa imbestigasyon at remediation.