Muling nanawagan ang consumer groups sa San Jose del Monte City, Bulacan ng agarang aksyon sa umano’y matagal nang problema sa serbisyo ng tubig.
Hiniling ng Kilusang TAPAT at United Filipino Consumers and Commuters ang posibleng takeover sa operasyon ng water service provider para matiyak ang maaasahang suplay sa mga residente.
Isinagawa ng Kilusang TAPAT at Water for All ang kanilang panawagan sa San Jose del Monte City na sinuportahan ng UFCC.
Ayon sa grupo, walong taon nang nararanasan ng ilang residente ang kakulangan sa suplay, mahinang pressure at iba pang problema sa serbisyo.
Iginiit nila na ang tubig ay pangunahing pangangailangan at hindi dapat ituring na pribilehiyo.
Nanawagan ang grupo ng malinaw na pananagutan, konkretong solusyon at agarang aksyon mula sa mga kinauukulang ahensya at water service provider.