Magtutulungan ang Environmental Management Bureau-National Capital Region (EMB-NCR) at Valenzuela Development Cooperative (VALDECO) para sa pangangalaga ng dalawang creek sa Valenzuela City.
Sa ilalim ng 10-taong kasunduan, in-adopt ng VALDECO ang Mariveles Creek at Dulong Tangke Creek.
Layunin nitong suportahan ang rehabilitasyon, pagpapanatili at pagpapabuti ng kalidad ng tubig sa dalawang waterways.
Ipinresenta rin ng EMB-NCR ang kasalukuyang kondisyon ng tubig sa dalawang creek batay sa monitoring data.
Binigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor at komunidad sa pangangalaga ng mga waterways.
Pormal na nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa New Valenzuela City Hall sa Karuhatan, Valenzuela City. | ulat ni Rey Ferrer