Patuloy pang bineberipika ng National Bureau of Investigation (NBI) kung may mga ghost flood control project sa Taguig City.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, kasalukuyan pa nilang kinokolekta at sinusuri ang mga dokumento kaugnay ng mga proyekto sa lungsod.
Sinabi ni Matibag, na nakikipag-ugnayan ang NBI sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa tanggapan ni Senator Panfilo Lacson para maikumpara ang kanilang mga impormasyon at dokumento.
Kasunod ito ng naging pahayag ni DPWH Secretary Vince dizon na walang kumpirmadong ghost projects sa Taguig.
Ayon kay Matibag, kailangan pa ding beripikahin ang iba pang isyung lumilitaw kabilang ang reclamation at iba pang proyekto sa lungsod.