Isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas malaking papel ng kababaihan sa pamumuno at pagbuo ng mga polisiya sa ASEAN, lalo na sa usapin ng ekonomiya, seguridad at peace and security.
Sa ikaapat na ASEAN Women Leaders’ Summit, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi lamang dapat ituring na beneficiary ang kababaihan, sa pag-unlad ng rehiyon, bagkus dapat na magsilbing aktibong leaders at innovators ang mga ito.
Binigyang-diin ng pangulo ang pangangailangang palakasin ang pagkatawan sa kababaihan sa mga Cabinet at Parliament ng ASEAN member-states.
Kabilang na aniya ang pagbuo ng mas maraming oportunidad para sa women leaders.
Kasabay nito, itinulak ni Pangulong Marcos ang suporta sa women-led enterprises, kabilang ang mas magandang access sa financing at digital skills.
Kaugnay nito, nanawagan din ang pangulo sa pagkilala sa unpaid care work, na aniya ay malaking hadlang sa paglahok ng kababaihan sa formal workforce. Gayundin ang mas matibay na proteksyon laban sa gender-based violence online.