Nakaalalay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa unti-unting paglilipat ng ilang residenteng dating naninirahan sa ilalim ng Osmeña Highway sa Malate, Maynila patungo sa pansamantalang uupahang tirahan sa ilalim ng Transitory Shelter Assistance (TSA) ng Pag-Abot Program.
Sa ilalim ng TSA, sasagutin ng DSWD ang gastusin sa pansamantalang matitirahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo habang hinihintay ang permanenteng solusyon sa pabahay.
Una nang tiniyak ng DSWD na tutulungan ang 85 pamilyang matagal nang naninirahan sa ilalim ng highway na makalipat sa mas ligtas at disenteng tirahan.
Sa ilalim ng Pag-Abot Program, iba’t ibang suporta ang inilalaan ng DSWD para sa mga pamilya at indibidwal na nasa street situations.