All-set na ang mga paghahanda ng National Irrigation Administration (NIA) sa epekto ng Super El Niño gayundin sa epekto ng La Niña na naka-angkla sa kanilang Climate Change Resiliency Project.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay NIA Administrator Engr. Eddie Guillen, sinabi niyang bago pa man ang epekto ng matinding tag-init ay on-track na sa pagpapatupad ng mga hakbang ang NIA upang masalag ang epekto ng matinding tagtuyot.
Ilan sa mga interbensiyon na ito ay ang pakikipag-ugnayan ng NIA sa DA upang mas maisaayos ang sistema ng patubig, habang nagsagawa naman ng El Niño dashboard ang NIA, PhilRice, at PAGASA.
Tiniyak din ni Guillen na gumagana ang Geographic Information System o GIS ng NIA na siyang nagmo-monitor sa mga apektadong irigasyon.
Dagdag pa ni Guillen na may contingency fund ang NIA, dahil prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sektor ng agrikultura kaugnay na rin ng epekto ng matinding El Niño.