Pinangunahan ni Philippine Army Chief, Lt. Gen. Donald Gumiran ang turnover ceremony para sa mga bagong kagamitan na kanilang magagamit sa disaster response.
Kabilang sa mga tinanggap na kagamitan ng 525th Combat Engineer Battalion ng Philippine Army ay ang combat earthmovers, dry support bridges at vehicle mounted mine detectors.
Ayon kay Gumiran, napakahalaga ng mga natanggap na kagamitan ng nasabing yunit ng militar dahil hindi lamang ito magagamit sa mga labanan kungdi maging sa disaster response.
Sa pamamagitan aniya nito, lalong mapabibilis at magiging epektibo ang kanilang pagtugon sa mga emergency na may kinalaman sa kalamidad.


