Kinakailangan nang magsumite ng monthly reports ang mga kumpanya ng langis tungkol sa mga nagastos sa LPG at kerosene bilang bahagi ng pagsusuri sa excise tax suspension.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ito’y para matukoy ng gobyerno kung ipagpapapatuloy, babaguhin o ititigil ang suspensyon na iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong September 25.
Giit ni Energy Secretary Sharon Garin, bahagi ng buwanang budget ng maraming pamilya ang LPG at kerosene, kaya’t prayoridad aniya na agad makita ang tax relief sa presyo sa merkado para mabilis na pakinabangan ng pamilyang Pilipino.
Sa ilalim ng Executive Order 125, sinuspinde ang excise tax sa LPG, maliban kung ginagamit bilang raw material para sa petrochemical production o bilang motive power.
Suspendido rin ang excise tax sa kerosene, maliban kung ginagamit bilang aviation fuel.
Naglabas naman ang Bureau of Internal Revenue ng memorandum circular para ipagpapatuloy ang suspensyon ng mga nasabing excise tax.