Sa kabila ng taas-baba sa presyo ng produktong petrolyo sa merkado tiniyak ng Departmrnt of Trade and Industry (DTI) na nananatiling stable ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ayon kay DTI Secretary Ma. Cristina Roque wala pa siyang natatanggap na mga hiling mula sa manufacturers na magtataas ng kanilang presyo.
Bagamat maaaring magtaas ng presyo ang mga manufacturers ng basic necessities and prime commodities kahit hindi magpaalam sa pamahalaan kapag wala namang price freeze, patuloy ang koordinasyon ng DTI sa kanila upang tiyakin na hindi basta-basta magtataas ang presyo at may sapat pa itong suplay para sa merkado.
May commitment din naman aniya na nakuha ang DTI sa mga manufacturer na hindi basta-basta magtataas ng presyo kahit pa tumaas ang kanilang costing dahil sa epekto ng mataas na halaga ng mga produktong petrolyo.