Kinumpirma mismo ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na ni-raid ng kanilang mga operatiba ang bahay na pagmamay-ari nina dating House Speaker Lord Allan Velasco at kanyang asawa
Ayon kay Director Matibag ito ay dahil sa search warrant na kanilang ipinatupad noong Agosto 24 dahil sa report na may high-powered firearms sa mga bahay.
Paliwanag naman ng direktor, kahit sila hindi nila alam na bahay pala ito ng dating speaker ng Kamara at asawa nito na si Rowena Velasco.
Ilan naman sa nakumpiska ng NBI ay mga magazine ng baril, bala, at ID ng mga security agency.
Ang mga bahay naman na ni-raid ng NBI ay siya ring mga address ng bahay na nakalagay sa affidavit ni Rodulfo Gracioso Jr. ang dating aide ni Velasco na umano’y nagdadala ng male-maletang pera sa pamilya Duterte.