Sasailalim muli sa lie detector test si Rodulfo Gracioso Jr. and dating aide ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.
Ayon kay National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag noong una kasing lie detector test na isinagawa noonng September 28 ay patungkol lang ito sa kanyang nga personalidad at relasyon sa dating speaker.
Sa magiging ikalawang lie detector test kokomprontahin na sya patungkol sa mga detalye ng nilalaman ng kanyang affidavit kung saan sinabi nito na nagdadala sya umano ng male-maletang pera sa pamilya Duterte.
Ayon naman kay Matibag ang lie detector test ay para sa kumpirmahin ang kredibilidad ni Gracioso bilang testigo kaya mahalaga na makapasa ito.
Naging aral naman aniya sa kanila na hindi ipina-lie detector test ang 18 ex marines na isa rin sa dating tumestigo patungkol sa male-maletang pera. Kalaunan din kasi ay binawi din ng ilan sa mga maleta boys ang kanilang mga pahayag. | ulat ni Louisa Erispe