Inilunsad ng Pilipinas ang bagong programa para sa mas ligtas at sustainable na pamamahala ng electronic waste o e-waste.
Pinangunahan ito ng DENR-Environmental Management Bureau, katuwang ang United Nations Industrial Development Organization (UNIDO) at EcoWaste Coalition.
Layunin nitong palakasin ang repair, reuse, collection at recycling ng mga electronic device.
Ayon sa Ecowaste Coalition,tututukan din ang ligtas na paghawak at pagre-recycle ng mga mapanganib na kemikal mula sa e-waste.
Target ng programa ang 1,000 benepisyaryo, kabilang ang mas maraming kababaihan sa recycling sector. | ulat ni Rey Ferrer