Gaganapin sa lungsod ng Maynila ang pagpapasinaya sa kauna-unahang TEC Teachers Awards, na sasaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ito ng Selebrasyon ng National Teachers’ Month 2026.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, bilang bahagi ito ng pagkilala ng pamahalaan sa kahusayan at dedikasyon ng mga bayaning guro sa Pilipinas.
Ayon naman kay Education Secretary Sonny Angara, pagka-upo niya sa pwesto, ang bilin sakaniya ni Pangulong Marcos, alagaan ang mga guro lalo’t sila ang puso ng education sector ng Pilipinas.
Ito mismo aniya ang ginagawa ng DepEd sa kasalukuyan.
Ngayong hapon, inaasahang tatalakayin ng Pangulo ang mga hakbang ng pamahalaan na nagsusulong sa professional development ng mga guro, alinsunod sa Teacher Education Roadmap 2035 at iba pang program sa pamahalaan or ng pamahalaan.
Bago nito, una nang binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga guro sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa bansa.
Kabilang na dito ang kanilang naging ambag sa pagsulong sa sistema ng edukasyon dahilan upang magkaroon ng positibong resulta ang Pilipinas sa Program for International Student Assessment (PISA). | ulat ni Racquel Bayan