Iginiit ni House Prosecutor at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na ang mga confidentiality na sumasaklaw sa mga rekord ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ay hindi maaaring gamitin para balewalain ang subpoena ng impeachment court.
Ito ang inihayag ni Diokno sa day 32 ng impeachment trial ni VP Sara Duterte kung saan humilinng ang depensa ni Vice President Sara Z. Duterte na humiling na ipagpaliban ang pagpapatotoo ng isang opisyal ng AMLC bunsod ng confdentiality at kakulangan sa oras ng paghahanda.
Tinukoy ni Diokno ang Section 8-A ng Anti-Money Laundering Act, na naghihigpit sa pagisiwalat ng impormasyon ng AMLC.
Aniya, ang probisyon ay hindi kailanman nilayon bilang blanket shield laban sa mga legal na subpoena ng korte.
Ibinunyag ni Diokno na ibinasura na ng impeachment court ang katulad na argumento ukol sa confidentiality sa isang desisyon noong July 20, kung saan pinagtibay na ang kapangyarihan ng hukuman sa pagpapalabas ng subpoena ay nangingibabaw sa regulasyon ng AMLC personnel.
Inaasahang didinggin sa Lunes (October 5) ang pagpapatuloy ng paglilitis kung saan ang AMLC ang unang sasalang sa witness stand.