Isinusulong ng Department of Agriculture ang mas mataas na taripa sa imported na baboy dahil bumababa ang farm gate price nito.
Ayon kay Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel Jr., ipinanukala nila na unti-unting ibalik ang dating mataas na taripa sa imported na baboy bago nagkaroon ng African Swine Fever.
Ginagawa ito dahil dumarami na ang imported na baboy at suplay sa imbakan, kasabay ng pagbangon ng local hog production.
Planong taasan ng 10 percentage points ang taripa sa imported na baboy pagsapit ng 2027, kung saan mula 15 percent ay magiging 25 percent para sa in-quota imports at mula 25 percent ay magiging 35 percent para sa out-quota imports.
Tataas pa ang rates sa 30 percent para sa in-quota at 40 percent para sa out-quota pagsapit ng 2028.