Nag-desludge ang Manila Water ng 94,917 septic tanks sa East Zone concession area mula January hanggang August ngayong taon.
Ayon kay Manila Water Corporate Communications Group Head Dittie Galang, 11,470 septic tanks ang nalinis noong August lamang.
Layunin ng programa na maiwasan ang pag-apaw ng septic tanks at pagtagas ng untreated wastewater sa mga ilog, sapa at iba pang waterways.
Bahagi ito ng sanitation program ng Manila Water habang naghahanda sa inaasahang mas matinding El Niño sa unang bahagi ng 2027.
Samantala, sinabi ng kumpanya na 100% compliant sa environmental standards ang lahat ng 28 wastewater treatment facilities nito noong August.
Hinimok ni Galang ang mga customer na regular na magpa-desludge upang maprotektahan ang kalusugan at kapaligiran.