Nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa noong buwan ng August.
Sa ulat ng PSA, bumaba sa 5.3% ang unemployment rate sa bansa noong August 2026, mula sa 6% noong July.
Katumbas ito ng 2.77 milyon na bilang ng mga walang trabaho noong August, mas mababa sa 3.14 milyon noong July.
Kaugnay nito, umakyat sa 94.7% ang employment rate mula sa 94% noong July o katumbas ng 49.79 milyong employed persons.
Nasa 64% naman ang labor force participation rate, katumbas ng 52.56 milyong Pilipinong kabilang sa labor force.
Ayon sa PSA, kabilang sa mga industriyang nagtala ng mataas na bilang ng employment noong August ang Agriculture and Forestry na may dagdag na 847,000 workers, construction na 390,000 at Wholesale and Retail na may dagdag na 227,000.