Mahigpit ang bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi dapat mangyari na magkaroon ng problema sa suplay ng langis ang bansa.
Sa gitna ito ng nagpapatuloy pa ding conflict sa Gitnang Silangan na nakadagdag sa naitalang pagsipa ng inflation sa 7.2%.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, malaki ang magiging epekto sakaling magkaroon ng paghinto sa fuel supply sa bansa.
Tigil aniya ang kalakalan o negosyo na tiyak na makakahagip sa takbo ng ekonomiya ng bansa.
At sa harap ng naitalang pagsipa ng inflation ay binigyang-diin ni Castro na nagpapatuloy ang mga programa ng pamahalaan para kahit paano ay makagaang sa mamamayan ang epekto ng pagbilis ng inflation.
Nariyan aniya ang pagtanggal ng 12% VAT sa allowable system loss charge sa electricity bills, UPLIFT, Walang Gutom Program, Tupad, at Free Rice Program.