Kasama sa working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore ang bilateral meeting nila ni Singapore Prime Minister Lawrence Wong.
Ayon kay Philippine Ambassador to Singapore Medardo Macaraig, inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ang pagpapalakas pang lalo ng bilateral relations ng Pilipinas at Singapore,
Bukod dito sinabi ni Ambassador Macaraig ay maaaring mapag-usapan din ang mga bagong hamon sa gitna ng mga nagaganap na global incidents at iba pang pandaigdigang usapin.
Dagdag ng Embahada na kasama din sa agenda ng bilateral meeting nina Pangulong Marcos at ni Prime Minister Wong ang koordinasyon ng Pilipinas at Singapore kaugnay ng pagpapalit ng ASEAN chairship.
Ang Singapore ay magiging ASEAN Chair sa ika-60 anibersaryo ng ASEAN.