Umabot na sa P1.18 bilyon ang tinatayang production loss ng Iloilo dahil sa red-striped soft scale insect o RSSI infestation sa mga taniman ng tubo sa probinsya.
Sa nasabing halaga, P122.47 milyon ang mula sa totally damaged na mga sugarcane plantation, habang mahigit P1 bilyon naman sa partially damaged.
As of October 5, 2026, mas lumawak pa ang epekto ng RSSI infestation sa mga tubo sa Iloilo. Ayon sa kapitolyo, umabot na sa 10,000 ektarya ng agricultural areas o 9,491 magsasaka mula sa 27 bayan at lungsod ang apektado ng infestation sa lalawigan.
Samatala, tatlong LGU naman ang nagdeklara ng State of Calamity dahil sa infestation—ang Dueñas, Passi City at San Enrique.
Patuloy ngayon ang koordinasyon ng pahalaang panlalawigan at mga national government agencies sa pag-monitor at pagresponde sa infestation.