Sinilip ni Senador Kiko Pangilinan ang mga peso account ng Cale88 sa Security Bank bilang bahagi ng pagtukoy sa mga transaksyon ng kompanya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa pagdinig, sinabi ni Security Bank Branch Banking Group Head Leslie Cham na may dalawang peso checking account ang Cale88 na kapwa isinara noong July 2026.
Ayon kay Cham, ang isang account ay may ending balance na 332,530.95 pesos, habang ang isa naman ay may 21,164.27 pesos na ending balance noong December 2025.
Nilinaw ni Cham na ang unang account ay binuksan noong Augost 2024 habang ang ikalawa ay noong 2025.
Tinanong ni Pangilinan kung mayroon ang bangko ng buwanang record ng mga deposito at withdrawal sa mga account mula 2024, pero sinabi ni Cham na wala siyang hawak na ganoong detalye dahil system-generated ang mga transaksyon at hindi niya sinusubaybayan ang day-to-day activity ng account.
Giniit ni Pangilinan na mahalagang malaman ang mga halagang pumasok at lumabas sa mga peso account ng Cale88 mula 2024 hanggang 2026, lalo’t nakasaad sa AMLC report ang tinatayang 319 milyong pisong transactions mula sa China.
Gayunman, sinabi ng senador na hindi pa malinaw kung ang naturang halaga ay dumaan sa peso account o foreign currency account ng Cale88.