Nilinaw ni National Bureau of Investigation Director Atty. Melvin Matibag na hindi pa nakapagpiyansa si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste.
Aniya mga kapwa-akusado pa lang ni Leviste na sina Hazel Iris Lafuente Buencamino at Irma Flaminiano ang naglagak ng tig-P72,000 cash bond sa Korte.
Ayon pa kay Matibag, kailangang personal na humarap ang kongresista sa lokal na Korte.
Itinakda sa October 26 ang arraignment ng kongresistang nananatili pa rin sa ibang bansa ngayon. | ulat ni Aj Ignacio